DAGUPAN CITY- Nagawa pa umanong makapagpaalam ng isang pasahero sa kaniyang pamilya bago tuluyang bumangga ang Jeju Air Flight 7C2216 sa pader ng Muan International Airport sa South Korea kaninang umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathyrine Stacey Viray, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, hindi na rin ito nakasagot pa sa tugon ng kaniyang pamilya dahil nangyari na ang trahedya.
Gayunpaman, sa mabuting palad ay tanging paa ng nakaligtas na crew ang napuruhan dahil sa sunog.
Subalit, umakyat na sa 179 ang kumpirmadong nasawi sa 181 na sakay ng nasabing eroplano mula Bangkok, Thailand matapos itong maglanding ng walang gulong na naging sanhi ng pagkakabangga sa nasabing airpoty..
Ani Viray, bago pa ito mangyari ay may mga nakakita nang may sunog o spark ito sa right wing bago lumapag sa runway.
Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad upang tukuying ang tunay na sanhi ng aksidente.
Kinikilala na rin nila ang mga biktima.
Humingi na rin ng paumanhin ang opisyal ng nasabing airline sa mga naulilang pamilya.
Ito naman ang kinokonsiderang pinakamalubhang aviation incident sa South Korea.