BOMBO DAGUPANHindi kinakailangan ng total na pag-ban sa paggamit ng mga estudyante ng cellphone sa paaralan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Benjo Basas, National Chairman Teachers Dignity Coalition, hindi na nito kinakailangan pang dumaan pa sa kongreso at sapat na ang Department Order mula sa kagawaran ng edukasyon.

Ang pagkakaroon lamang ng regulasyon sa paggamit nito ang kinakailangan dahil maaari pa rin aniya itong magamit sa pag-aaral.

--Ads--

Kailangan lamang mapabuti pa ang polisiyang paglilimita sa mga estudyante na gumamit ng cellphone sa loob ng paaralan.

Sa pamamaraang ito, hindi aniya ito makakaapekto sa mentalidad ng mga estudyante.

Bukod din kase sa mga negatibong paggamit nito, may mga positibong naidudulot ito sa mga mag-aaral.

Gayunpaman, hindi naman sinasalungatan ni Basas ang nakitang negatibo epekto nito sa mga estudyante.

Sa kabilang dako, pabor si Basas sa lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtaas ng supply allowance ng mga guro sa 2025-2026.

Aniya, naging mahaba ang pinagdaanan nito bago ito maaprubahan kaya malaking tulong na din ito sa mga guro.