Hindi dapat palakihin pa o balewalain ang pag-atake ng Israel sa Iran.

Bagamat nais pa ng Israel na palakihin pa ang epekto ng kanilang kilos laban Iran, sinabi ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei na hindi rin tamang baliwalain ng Iran ang pag-atake.

Kinontra ni Khamenei ang mga naniniwalang hindi na dapat maglabas pa ng armas ang Iran upang maiwasan madawit sa kaguluhan. Aniya, kung magiging mahina ang isang bansa ay hindi mapapanatili ang seguridad nito,

--Ads--

Samantala, kinondena din nniya ang pag-atake ng Israel sa Gaza.

Sa panibagong pag-atake ng Israel sa Gaza, nasawi ang ilang mga Palestino na ninitahan sa Asmaa School sa Gaza.