Sinimulan na umano ng Israel ang kanilang malawakang pag-atake sa Yemen upang target-in ang kanilang tinatawag na “Houthi terrorist regime.”

Anila, tinamaan na nila ang mga power plant at porte sa Ras Isa at Hudaydah.

Kasabay naman nito ang kanilang pag-atake din sa Lebanon at ang paglunsad din ng Hezbollah ng marami pang rockets sa northern Israel.

--Ads--

Patuloy pa inaatake ng Israel ang Dahieh o ang kuta ng Hezbollah sa southern Beirut. Kaugnay nito, kanilang napaslang ang leader ng Hezbollah sa nasabing lugar at umaabot na sa 20 ang di umanong napaslang ng Israel na mga kilalang Hezbollah.

Samantala, nasawi ang 17 katao sa Zboud at 21 naman sa Bekaa Valley, sa Lebanon dahil sa pag-atake ng Israel.