BOMBO DAGUPAN – Tinututukan ngayon ng mga magsasaka sa Barangay Macabito sa bayan ng Calasiao ang pag-atake ng army worm sa mga tanim na ampalaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Charlie Salvador nagtatanim ng Ampalaya na bagama’t ay tag-ulan na kaya dumadami na naman ang mga peste sa pananim isa na ang mga army worm ay normal lang naman daw ito.

Kaya’t ang ang pag-spray nito habang itlog palang ay napupuksa na para hindi na dumami pa dahil kapag napabayaan at dumami pa ay mauubos ang pananim at malulugi. Kaugnay nito aniya ay hindi naman gaano madaming bunga ng ampalaya ang nasira sa kanilang pananim dahil sa armyworms.

--Ads--

Samantala, ayon naman kay Zaldy Buazon Brgy. Captain ng nasabing barangay, isa daw talaga sa problema ang mga peste sa pananim lalo na noong nakaraang taon ay nagdulot ito sa pagkalugi ng mga ilang magsasaka. Ang ilang mga datos naman ng magsasaka sa kanilang barangay ay nasa higit 100 habang ang ektarya na sinasaka ng mga ito sa kabuuan ay nasa 200.

Pinaalalahanan naman niya ang kanyang mga nasasakupan na kung ano man ang mga gusto nilang tulong ay ipagbigay-alam lamang sa kanila upang sa ganun ay masabi nila sa Agriculture Office sa bayan.