Mayroon na lamang maikling panahon sa pag-asikaso sa inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil nalalalapit na ang midterm elections.
Kaugnay nito ay magkakaroon din ng break sa House of Representatives kaya’t wala munang magiging sessions at hearing.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominick Abril – Legal/Political Consultant malaking problema ang naging tyempo na pagfile dahil sa timeline ng mga upcoming events at baka sa buwan na ng hulyo makabalik ang mga ito sa susunod na taon.
Aniya na bago magbreak sa buwan ng Marso ang House of Representatives ay dapat maaksyunan na ito at ma-irefer sa tamang komite, dahil kung hindi pa masisimulan ngayong buwan o sa Enero ay baka kulangin ang oras.
Bagama’t ito ay isang mahaba habang proseso gaya na lamang ng naging impeachment ni Estrada bagay na sususbaybayan na naman ng publiko.
Inaasahan din nito na magiging mainit ang mangyayaring proseso dahil maging sa ngayon ay mayroon paring political capital ang pamilyang Duterte.
Bukod dito ay aabangan din ang magiging perception ng publiko kaya’t hayaang mangibabaw ang rule of law at ang prosesong demokratiko na naaayon sa saligang batas.