Ipinaliwanag ng isang political analyst na ang pasya ng mga Senador na pag-archive ng Articles of Impeachment ay nangangahulugan na hindi dinismiss outright ang kaso.
Ayon kay Atty, Edward Chico, Law Professor at Political Analyst, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ang paglalagay sa archive sa impeachment case ni VP Duterte ay hindi nangangahulugan na ito ay patay na at sa halip ay maaring buhayin sakaling baligtarin ng Korte Suprema ang desisyon nito.
Sakaling baguhin aniya ng SC ang disisyon nito ay maaaring ituloy ng senado ang impeachment at dito malalaman kung ma ko -convict ang pangalawang pangulo.
Pero kapag nanindigan ang Supreme court na hindi na baguhin ang disisyon nila ay wala nang mangyayaring hearing at walang jurisdiction ang impeachment court.
Ang mangyayari kung walang hearing ay hindi puwedeng pigilan si VP Sara na tumakbo sa 2028.
Malinaw na ang magiging remedy ng kongreso ay magfile ng panibagong impeachment complaint sa February 2026 at tanging ito ang option na available.
Iginiit ni Atty. Chico na importante ang impeachment upang mapanagot ang mga opisyal sa bansa na nagkasala.
May panawagan naman ito sa taumbayan sila man ay maka Duterte o hindi na huwag magpadala sa kanilang emosyon
Magugunitang sa ginawang botohan sa Senado ay mayroong 19 na mga Senador ang bumuto na dapat ay isantabi na muna ang impeachment habang mayroong apat ang kumontra at isa ang nag-abstain.
Una ng naglabas ng kautusan ang Korte Suprema noong Hulyo 25, 2025 na kanilang ibinabasura ang impeachment complaint laban kay Duterte dahil sa ipinagbabawal ang pagsasampa nito ng mahigit sa isa sa loob ng isang taon.