BOMBO DAGUPAN – “Sana kaisa sila sa pagtahak sa lipunan na mayroong katarungan, sana kaisa sila sa pagkilala sa bawat bahagi at miyembro ng lipunan.”

Yan ang pagbabahagi ni Jhay de Jesus, Spokesperson, True Colors Coalition sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya ugnay sa paggunita ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo, gayundin ang kanyang panawagan sa mga nasa pwesto na ipasa na ang batas na magbibigay proteksyon sa kanila.

Aniya ay nasa proseso palang ang kanilang grupo sa pagsasagawa ng mga aktibidad na gustong gawin ng kanilang mga miyembro ngunit isa parin sa kanilang magiging prayoridad ay ang pagtutok sa pag-address sa diskriminasyon at ang tuloy-tuloy na pag-pursue sa pagpasa ng batas na magpoprotekta sa LGBTQIA+ community.

--Ads--

Kaugnay nito ay umaasa naman siya na maaprubahan na ang panukalang batas na SOGIE bill upang magkaroon ng access to justice ang kanilang komunidad lalo na kapag nakakaranas ng diskriminasyon at karahasan sa lipunan.

Ito aniya ay mapapatibay lamang kapag may batas na namamayani sa ating bansa kaya’t patuloy ang kanilang panawagan at pakikipaglaban sa kanilang karapatan bilang bahagi ng lipunan.