BOMBO DAGUPAN – Walang kasiguraduhan kung aaksyunan ng buong senado o aaprubahan ng lahat ng mga senador.
Ito ang sinabi ni Atty. Francis Abril, isang abogado kaugnay sa pagtransmit ng Kamara sa Senado sa House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill.
Sinabi nito na aabangan din kung susuportahan ito ng administrasyon.
Malalaman umano ang magiging kapasyahan ng mga ito matapos ang kanilang break at matapos ang state of the nation address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Magkakaroon pa aniya ng calendar ng activities sa senado patungkol sa version ng Absolute Divorce Bill.
Sinabi ni Abril na kaya aabangan kung hanggang saan aabot ang talakayan sa nasabing House bill.
Matatandaan nasa naging botohan sa Kamara, 126 ang bumoto ng Yes… 109 ang bumoto ng No at 20 ang nag-Abstain.
Sinabi ng may akda na si Albay Representative Edcel Lagman, nasa hurisdiksiyon na ng Senado ang pagtalakay sa Absolute Bill kasabay ang pag-asa na bigyan ng pagkakataon ang pagtalakay nito sa plenaryo.
Matatandaan, ito ang ikalawang pagkakataon na pumasa ang Divorce Bill sa Kamara.