Very Tactical umano ang disisyon ng Department of Agriculture (DA) na umangkat ng may 3,000 metric tons ng pulang sibuyas at 1,000 metric tons ng puting sibuyas ilang linggo bago ang anihan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang “limited volume” na ito ng onion importation ay hindi pa makasasapat upang punan ang inaasahang kakulangan sa local demand para sa sibuyas.
Sinabi ni Laurel na may 7,000-ton deficit ng sibuyaa sa bansa, at ang full harvest mula sa local farmers ay darating pa lamang sa ikatlong linggo ng Marso.
Binigyang-diin ng kalihim na ang imported onions ay darating lamang sa “limited volume” at “limited quantity.”
Sa datos ng Bureau of Plant Industry (BPI), ang monthly consumption ng bansa ay 17,000 metric tons para sa pulang sibuyas at 4,000 metric tons para sa puting sibuyas.
Hanggang mid-January, iniulat ng BPI na ang nakaimbak na pulang sibuyas ay nasa 8,500 metric tons, habang ang puting sibuyas ay nasa 1,628 metric tons.
Matatandaan na umalma ang ilang mga grupo sa pag-iimport ng sibuyas dahil pinaniniwalaan na hindi ito ang tamang oras para umangkat ng sibuyas.