BOMBO DAGUPAN – Tiniyak ni Cong. Argel Cabatbat, Chairman, Magsasaka Partylist na unang unang isusulong nila ay maamiendahan ang Rice Tarrification Law upang hind malugi ang mga magsasaka.

Sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, malugod na sinabi ni Cabatbat na pinagbigyan ni House speaker Martin Romualdez ang hiling niyang madagdagan ang pndo ng mga magsasaka gayundin ang pagbuhos ng pondo sa irigasyon para mapatubigan ang mga bukirin.

Isusulong din aniya nila ang karapatan sa lupa ng mga magsasaka na nininakawan ng lupa gayundin ang pagpigil sa sobra sobrang importasyon ng mga agricultural products na kaya namang iproduce sa bansa.

--Ads--

Hihilingin din nila sa gobyerno ang dagdag na budget para sa mga mangingisda.

Sa statistics aniya, mas maghirap ang buhay ng mga mangingisda kumpara sa mga magsasaka. At dahil wala silang boses sa kongreso ay isasama umano niyang ipaglalaban na mabigyan ng suporta.

Samantala ang nakaraang General Assembly ng Magsasaka Partylist noong August 18 ay mistulang victory party dahil napagbigyan ang hiling ng mga magsasaka na ang mamumuno sa partido ay mga totoong magsasaka.