Dagupan City – Posibleng umabot pa ng hanggang sa susunod na taon ang pananatili ng sumadsad na foreign vessel sa Patar Beach sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.

Paliwanag ni Lieutenant Commander (LCDR) Alois Morales, Station Commander ng PCG Pangasinan at itinalagang maging spokesperson para sa naturang insidente, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, hindi maaaring matapos ng isang araw lang ang proseso ng pag-aalis nito.

Oil tanker mula sa China, sumadsad at tumagilid sa Bolinao, Pangasinan
Posibilidad ng pagkakaroon ng oil spill pinangangambahan kasabay ng pagsadsad ng isang foreign vessel sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan
PCG tiniyak na walang nangyaring oil spill sa sumadsad na foreign vessel sa Bolinao Pangasinan na kargado ng 15 milyong litro ng produktong petrolyo

 Sa katunayan aniya sa survey process palamang ay tumatagal na ito ng dalawang hanggang tatlong araw o higit pa.

--Ads--

Habang sa proseso naman ng salvaging o pagaalis ng barko sa pagkakasadsad ay posibleng tumagal ng dalawa hanggang tatlong linggo depende pa sa lagay ng panahon.    

Bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lieutenant Commander (LCDR) Alois Morales, Station Commander ng PCG Pangasinan

  Nabatid mula pa kay Morales, na nasa 143 meters ang haba ng foreign vessel habang ang lapad nito ay nasa 23.6 meters.