Tinalakay ang kahalagahan ng pag-aalaga sa balat ng tao, lalo na tuwing panahon ng tag-init kung saan matindi ang init sa bansa sa Programang kapihan sa DOH na itinaguyod sa ilocos ng DOH – CHD 1 sa Ilocos Region.

Ayon sa mga eksperto, mahalaga ang ating balat dahil ito ang nagsisilbing proteksyon o harang laban sa mga dumi at mikrobyo na maaaring makapasok sa katawan ng tao.

Ayon kay Dr. Jocelyn Gideng Dermatologist, Medical Specialists, ITRMC ,Ipinaliwanag niya na ang balat ay isang uri ng “bintana” ng ating katawan.

--Ads--

Dahil dito, kung hindi aniya maaalagaan ang balat, maaaring magdulot ito ng iba’t ibang problema tulad ng rashes at iba pang mga sakit sa balat. Sa sobrang init na nararanasan sa bansa, nagiging mas madali para sa balat ng tao na magka-problema, kaya’t kinakailangan ng mas maingat na pangangalaga.

Isa sa mga pangunahing sanhi ng skin cancer ay ang sobrang pagkakalantad sa araw. Kaya’t ipinayo ng mga eksperto na iwasan ang magtagal sa ilalim ng direktang sikat ng araw. Mahalaga rin ang tamang pag-aalaga sa balat, tulad ng regular na pagligo at paggamit ng mga produktong angkop sa balat ng tao. Iwasan din ang mga mamahaling sabon na maaaring magdulot ng iritasyon o alerhiya sa balat.

Panawagan naman ng medical practitioner na magpakonsulta sa mga health facilities para sa agarang pagsusuri at upang matukoy ang kalagayan ng kalusugan, lalo na ang kondisyon ng ating balat.

Aniya, Ang regular na pagbisita sa doktor ay makatutulong upang maagapan ang anumang problema at maiwasan ang malalang sakit tulad ng skin cancer.