DAGUPAN CITY- Advantage kung maituturing ang dalawang panahon sa Pilipinas para sa sektor ng aquaculture, problema naman ang taglamig para sa nag-aalaga ng bangus.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Westly Rosario, Former Center Chief National Integrated Fisheries Technology Development Center-BFAR Pangasinan, hindi kase tulad sa ibang bansa na higit sa dalawang panahon kaya nakakaapekto rin sa kanilang aquaculture.

Aniya, bumabagay sa mainit na katubigan ang mga species ng isda ang inaalagaan sa bansa, katulad ng bangus.

--Ads--

Gayunpaman, nakakaapekto naman ang paglaki ng mga ito pagdating ng taglamig. Pinapabagal kase aniya nito ang metabolism ng mga isda at humihina rin ang kanilang pagkain.

Napapahinto rin ng malamig na panahon ang pangingitlog ng mga alagang isda, kung saan oktubre pa lamang ay napapahinto na.

Ito na rin ang dahilan kung bakit karamihan sa mga mangingisda ay hindi na nag-aalaga ng bangus tuwing ganitong panahon.

At para sa may alaga, inaani na rin agad pagdating ng taglamig upang hindi na magdulot pa ng problema.

Subalit, problema naman para sa sektor ng aquaculture ang pagbigla-biglang pagbabago ng panahon dahil sa hatid nitong negatibong epekto sa mga palaisdaan. Kabilang na lamang sa biglaang pag-ulan sa tag-init at pagkakaroon ng bagyo.