Naniniwala ang Alliance of Health Workers na sobra sobra pa rin ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robert Mendoza, former president ng Alliance of Health Workers, patunay dito ang P89.9 billion na inilipat sa Bureau of Treasury at mayroon pang halos P500milion na nasa Philhealth na puwedeng gamitin sa 2025.
Ginawa ni Mendoza ang pahayag sa gitna ng usaping “zero subsidy” sa PhilHealth para sa fiscal year 2025.
Ang hinahanap ngayon ni Mendoza kung saan mapupunta ang budget na para sana sa Philhealth at sana ay ilaan na lang aniya ang pondo direkta sa mga pampublikong ospital upang mnatiyak na bmabigyan ng libreng serbisyo ang mga nangangailangan.
Aniya, halos magkaparehas lang ang budget ng Department of Health at Philhealth.
Muling ipinanawagan ni Mendoza na i abolish ang Philhealth dahil ito ay insurance at negosyo kung saan hindi nakakatulong sa usaping libreng serbisyong pangkalusugan.
Mas higit aniyang buhusan ng budget ang DOH dahil nananatili ang problema ng mga healthworkers, gaya ng tuloy tuloy na contractualization at mababang pasahod.
Matatandaan na nagbigay ang bicameral conference committee ng “zero subsidy” sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa fiscal year 2025.
Sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP) mayroong ₱74.43 bilyon ang PhilHealth at binabaan pa ito ng Senado sa halagang ₱64.419 bilyon. Ngunit sa pagtatapos ng bicameral conference committee meeting, tuluyan nang tinanggal ng subsidy ang ahensya.
Para rin kay Senador Grace Poe, mayroon pa raw kasing ₱600 bilyon na reserve funds ang PhilHealth.