Dagupan City – Inihayag ni San Carlos City Mayor Julier Resuello ang paunang pahayag hinggil sa posibleng pag-aayos at regulasyon sa pagdaraos ng mga barangay events at ng city fiesta.

Ayon sa alkalde, layunin ng hakbang na masigurong maayos, ligtas, at organisado ang mga aktibidad sa lungsod.

Kasalukuyang pinag-aaralan ng pamahalaang lungsod ang mga nararapat na patakaran na ipatutupad, kabilang ang iskedyul, seguridad, at iba pang alituntunin sa pagsasagawa ng mga pagdiriwang sa bawat barangay.

--Ads--

Nakatakdang magsagawa ng pulong ang alkalde kasama ang iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan upang talakayin ang mga detalye at rekomendasyon kaugnay ng nasabing usapin.

Inaasahang maglalabas ng pinal na desisyon at isang executive order sa darating na Lunes matapos ang nasabing pagpupulong.