DAGUPAN, CITY—- ‘Be objective to the facts presented by history.’
Ito ang pananaw ni Prof. Mark Anthony Baliton, political analyst sa lalawigan ng Pangasinan ukol sa patuloy na banggaan ng 2 argumento sa nangyaring Martial law noong panahon ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Baliton, upang wastong maunawaan ng bawat isa ang katotohanan sa nangyaring deklarasyon ni dating pangulong Marcos, kailangan umano na mapag-aralan ng bawat isa ang mga tunay na impormasyon at matimbang ang bawat panig ukol rito.
Ipinaliwanag din ni Baliton na parehong may “advantage” at “disadvantage” ang implementasyon ng martial law noon.
Aniya, kung iaanalisa ang orihinal na layunin nito, ang advantage sana nito sa bansa ay upang mapangalagaan ang seguridad mula naman sa banta ng CPP-NPA at pagkakaroon ng disiplina.
Ngunit sa kabilang banda, naging disadvantage aniya ang pagpapatupad nito lalo na at naabuso ang military rule at nalabag ang karapatang pantao.
Dagdag pa ni Baliton, mahalaga pa rin na mapag-usapan ang naturang isyu upang makapag-move forward na ang bawat isa mula sa nangyaring kaganapan.