DAGUPAN CITY- Pinangangambahan ng mga magsasaka ang plano ng Department of Agriculture na pag-aangkat ng imported na sibuyas dahil maaari itong maka-apekto sa mga local farmers sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mark Paul Rubio, isang magsasaka mula sa Nueva Ecija, nakapagtataka kung bakit kailangan pang mag-angkat ng imported na sibuyas kung marami namang suplay at aanihin sa mga susunod na buwan.

Aniya, malaki ang epekto nito sa mga lokal na magsasaka dahil maaaring maapektuhan ang farmgate ng nasabing produkto na maaaring magresulta sa malaking kalugian sa mga magsasaka.

--Ads--

Kung nais naman ng pamahalaan na gawin ito ay patapusin muna aniya ang harvest season nang sa gayon ay kumita ang mga magsasaka.

Dagdag niya, dahil panahon na ng anihan ay maaaaring bumaba ang presyo ng sibuyas sa merkado at kung tumaas man ay hindi mararamdaman ng mga consumer.