Pababa na ang pag-aalsa sa lalawigan ng Pangasinan.
Iyan ang turing ng Northern Luzon Command (NOLCOM) sa nangyaring enkwentro nila sa tinatayang 40 mga rebelde sa bayan ng Mangatarem.
Sa bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa tagapagsalita ng NOLCOM na si Maj. Marco Antonio Magisa, ito ay dahil noon umano ay walang nagaganap na palitan ng putok laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Pangasinan dahil takot ang mga tao sa mga naturang rebelde.
Ngunit dahil sa nangyari, patunay lamang aniya ito na wala na silang nakukuhang mass based support at marunong nang lumaban ang mga tao sa kanila.
Matatandaang kaya napag-alamang mayroon kampo ng NPA sa nasambit na lugar ay dahil sa pag-re-report ng indigenous group na malapit doon.
Nangangahulugan umano itong malapit nang matuldukan ang paghihimagsik ng mga rebelde sa lalawigan.