BOMBO DAGUPAN – Ginugunita ngayong buwan ng Agosto ang tinatawag na ghost month kung saan ito ay nagsisimula tuwing Agosto 4 at natatapos naman sa Setyembre 15.
Ayon kay Kim Te, Intepreter sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan na sa mga Chinese karaniwan nilang ginagawa ay nag-aalay ng mga pagkain o tinatawag na offering sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay para hindi sila maging hunger ghosts.
Aniya na ngayong buwan ay kadalasang nagkakaroon ng mga aksidente at mainam na kapag dadaan sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ay magbosina upang hindi paglaruan ng nasabing kaluluwa.
Bagamat ito ay nagbibigay galang at nangangahulugang ikaw ay makikiraan lamang.
Dagdag pa niya na sa mga plano namang magtayo ng negosyo o magpakasal ngayong buwan ay ipagpaliban muna upang hindi malasin at makaencounter ng mga sakuna na hindi inaasahan.
Kaugnay naman nito kaya kadalasang may mga offerings ang mga chinese dahil ang mga hinahanap ng hunger ghosts ay mga pagkain.
Subalit hindi naman kinakailangan na magarbo ang ibibigay basta galing ito sa kaibuturan ng iyong puso at basta gumawa lamang ng kawang gawa sa kapwa.