Napatay ng isang 32-anyos na lalaki na mayroong sakit sa pag iisip ang kanyang ama matapos niya itong hampasin ng mangkok habang sila ay kumakain sa Barangay San Pedro II, sa bayan ng Alcala, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, ang biktima na nakilalang si Joselito Fabros, 67, isang pintor ay namatay sa Urdaneta Emergency Hospital dahil sa tinamong matinding sugat sa bahagi ng ulo na ang mismong may gawa ay ang anak na si Jeffrey Fabros.
Lumabas sa imbestigasyon na kumakain ng hapunan ang mag ama sa loob ng kanilang bahay bandang alas 9:15 nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.
Sa gitna ng kanilang mainitang argumento kinuha ng suspek ang mangkok at pinokpok sa ulo ng biktima.
Ayon sa pamilya ng biktima, nakakaranas ang suspek ng depression.
Nabatid mula sa imbestigador na si police Staff Master Sgt. Glenmore Prado, dinala ang suspek sa Alcala Police Station at inilipat sa mental hospital.