Depresyon dahil sa pagnanakaw ng kaniyang menor de edad na anak ng isang cellphone ang nakikitang dahilan ng pagbibigti ng isang padre de pamilya sa bayan ng Pozzorubio dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Michael Ilasin, na residente ng Sitio Calumbuyan, Brgy. Alipangpang.

Una rito, nakatanggap ng ulat ang PNP mula sa menor de edad na anak ng biktima na natagpuan niya ang nakabigting katawan ng kanyang tatay sakanilang tahanan.

--Ads--

Nang dumating ang mga pulis ay naabutan pang nakabigti gamit ang Nylon Cord ang katawan nito partikular na sa may hamba ng pintuan ng kanilang tahanan.

Bago ang insedente ay kinakitaan ng depresyon ang biktima matapos magnakaw ng cellphone ang menor de edad na anak na agad ding naayos.

Sinabihan pa umano nito ang kanyang anak na iyon na ang huli nilang pagkikita at puwersahang pinaalis ang menor de edad habang ang biktima ay naiwang mag isa sa bahay habang umiinom ng alak.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insedente.