Dagupan City – Nagtapos na lamang sa draw ang exhibition fight ni Pinoy boxing champion at Senator Manny Pacquiao laban kay mixed martial arts Rukiya Anpo ng Japan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, mistulang light boxing lamang ang nangyari dahil na rin sa ibang boxing gloves ang kanilang ginamit, mas magaan kung ikukumpara sa gloves na ginagamit mismo sa boxing.

Bagama’t light boxing fight lamang ang nangyari, sinunod pa rin ng mga ito ang boxing rules.

--Ads--

Ayon pa kay Galvez, naging kaabang-abang umano ang nangyaring labanan dahil na rin sa pagkakaiba ng dalawa. Si Anpo ay nasa 6ft tall, mas matangkad kung ikukumpara sa senador, habang mas magaan naman si Pacquiao kung ikukumpara sa hapon.

Isinagawa naman ang ang boxing sa Saitama, Japan. Habang umani naman ito ng Milyon-milyong subscriptions, dala na rin ng presensya ni Pacquiao sa Match.