Naniniwala ang boxing analyst na si Mortz Ortigoza na kulang sa preparasyon si Pambansang Kamao at 8 Division World Boxing Champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa laban nila ni Mario Barrios.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ortigoza, sinabi nito na maikling panahon o oras sa pageensayo ni Pacman kumpara sa kaniyang mga nagdaang laban.

Naging maikli aniya ang panahon ng kaniyang ginugol sa training bunsod ng kaniyang mga naunang commitments sa mga nagdaang buwan dahil kinain ng preparasyon niya sa election ang dapat sana ay paghahanda nito sa laban.

--Ads--

May 19 lang siya pumunta sa Las Vegas at dalawang buwan lamang ang kanyang preparasyon.

Mabuti na lamang aniya ay draw ang nangyariu at hindi natalo si Pacman.

Gayunman kahit matalo man ito ay hahangaan pa rin umano si Pacquiao dahil sa kanyang galing.

Dagdag pa niya na maituturing good fighter si Pacman sa edad na 46 dahil kaya niyang tumagal ng 12 rounds.