DAGUPAN CITY- Pinaigting ng Balingit-Constantino Lasip Elementary School ang kampanya sa tamang segregasyon ng basura at kalinisan bilang suporta sa Barangay Lasip na madalas bahain dahil sa baradong catch basin.

Ayon kay Maricel Peralta, guro, katuwang ang 186 mag-aaral, guro, at mga magulang, mahigpit na ipinatutupad ang paghihiwalay ng basura sa bawat silid-aralan. Ang mga basura ay kinokolekta tuwing Lunes, at may araw-araw na paalala upang mapanatili ang kalinisan.

Tuwing hapon, nagsasagawa rin ang mga bata ng inspeksyon sa paligid ng paaralan upang matukoy ang posibleng pamugaran ng lamok, bilang pag-iwas sa dengue.

--Ads--

Binigyang-diin ni Peralta na ang tagumpay ng programa ay nakasalalay sa tulong ng mga magulang. Aniya, ang kalinisan ay responsibilidad hindi lamang ng paaralan kundi ng buong komunidad.