DAGUPAN CITY– Tinatayang nasa 10 kilo ng shabu ang nakumpiska sa inabandonang speedboad sa Barangay Locloc Palauig, Zambales .

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan , isang mangingisda ang nag-report na may isang speedboat ang inabandona sa nasabing lugar, kaya’t agad na rumesponde ang mga awtoridad.

Nakita sa loob ng bangka ang limang plastic na naglalaman ng shabu na aabot sa P80 milyong halaga ang street value.

--Ads--

Patuloy pa rin ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang may-ari at lulan ng nasabing speedboat.