Dagupan City – Nakumpiska ang Pangasinan Police Provincial Office ng P6.3 milyon halaga ng marijuana sa loob lamang ng isang linggo sa lalawigan.

Ayon kay PCapt Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office ito’y naitala mula noong marso 24 hanggang marso 31 ngayong taon (2024).

Nangunguna naman aniya ang bayan ng Aguilar dahil sa kabuo-an ay naisagawa na noong nakaraang buwan ang tatlong operasyon sa pagwaksi sa ilegal na gawain.

--Ads--

Matatandaan na nasawata ng mga awtoridad ang 3 mariijuana plantation sites sa bayan kung saan ay umaabot sa halagang P2.5 Milyon ang nakumpiska.

Pinangunahan naman ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Pangasinan Provincial Office katuwang ang Pangasinan Police Provincial Office at Aguilar Police Station.

Samantala, bukod sa P6.3 milyon na halaga ng marijuana, nakumpiska rin ng kanilang hanay ang P16.9 milyon na halaga ng shabu.

Panawagan naman nito sa publiko, hindi tumitigil ang kanilang hanay sa pagbabantay at pagtutok sa mga ilegal na gawain sa lalawigan at makakasiguro ang publiko na mas paiigtingin pa ng kanilang hanay ang pagpapanatili ng kapayapaan.