Dagupan City – Tinalakay ng Department of Health o DOH ang Philippine Plan of Action for Nutrition o PPAN para bigyang pansin ang malnutrisyon sa Pilipinas.
Nauna na itong inilunsad noong Setyembre taong 2023 sa National level habang nagsagawa rin ng launching sa iba pang mga rehiyon.
Base sa 2023 survey mula sa DOST-FNRI, mas bumaba ang prevalence level ng iba pang uri ng malnutrisyon, habang nagiging pagsubok naman ang pagtaas ng kaso ng overweight at obesity.
Sa ginanap na Media Conference ng DOH sa Baguio City, natalakay ang hunger at food insecurity na kinakaharap ng bansa na kung saan 2.7 million na pamilya ang nakakaranas ng involuntary hunger sa ikalawang quarter ng taong 2023 at ang Metro Manila ang pinakaapektado dito na may 15.7% ang apektado.
Kabuuang 33.4% ang nakakaranas ng moderate severely food insecure at 2% ang nakakaranas ng severely food insecure.
592.7 billion pesos ang pondo sa pagbubuo ng PPAN: 53% nito ay mula sa multisectoral nutrition services, 45% sa food diet, 1.6% naman sa enabling mechanism, habang 0.3% naman ay mula sa social behavior change.
Ang PPAN ay naglalayong gumawa ng mga plano at isagawa ito upang mabawasan ang problemang malnutrisyon dito sa ating bansa.
Katuwang sa pagsasagawa ng nilalaman ng PPAN na ito ang ilang international agencies gaya ng United Nations Food Systems Summit, Nutrition for Growth, Sustainable Development Goals, United Nations Decade of Action on Nutrition, at Scaling Up.
Habang para sa local agencies naman ay National Objectives for Health, Department of Social Welfare and Development, National Agriculture and Fisheries Modernization and Industrialization Plan, Basic Education Development Plan at iba pang mga ahensiyang pangkalusugan.
Layunin ng PPAN na mabawasan ang lahat ng klase ng malnutrisyon hanggang taong 2028 kagaya na lamang ng undernutrition, overnutrition, micronutrient defieciency, inadeuquate infant and young child feeding practices, at food insecurity.