DAGUPAN CITY- Hindi pabor ang Federation of Free Farmers sa pagtakda ng halagang P58 para sa maximum suggested retail price (msrp) sa mga imported na bigas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Leonardo Montemayor, Chairman ng nasabing grupo, mas magiging makatarungan kung ito ay nasa P50-P54 lamang ang mga 5% broken, habang ang regular milled rice ay nasa P45.

Aniya, malaki na ang natipid ng mga importer at whole seller dahil sa pinababang tarrif rate at bumaba pa ng malaki ang presyo ng imported na bigas sa World Market.

--Ads--

Kaya dapat isaalang-alang din sila sa pagtatakda ng presyo at hindi lamang nakatuon sa retailers.

At kung magkakapatong sa presyo, dapat lamang hanggang P10 lang ang itinataas.

Maaari kase aniyang idinaan ng Department of Agriculture sa negosasyon upang itakda sa P58 ang msrp. At dapat sinuri ito nang mabuti upang matukoy ang karapat dapat na presyo.

Gayunpaman, wala umanong epekto ang Executive order no.52 sa pagbaba ng presyo ng bigas subalit, naging benepisyo para sa mga importers at wholeseller.

At kung magbebenta ang DA ng bigas mula sa stocks ng National Food Authority (NFA) sa mga Local Government Units (LGU) para mapababa ang presyo ng bigas, kinakailangan na nasa ilalim ito ng food emergency o kalamidad.

Samantala, bukas umano ang DA sa mungkahi ng kanilang grupo para bawiin ang Executive order no. 62.

Sa kabilang dako, tumaas umano ang presyo ng kamatis dahil naapektuhan ang suplay nito sa pinsalang iniwan ng mga nagdaang bagyo sa mga pananim.

Hindi rin aniya imposible na may manipulasyon na sa mga presyo nito.

Gayunpaman, dapat may preparasyon ang DA para maiwasan ang pagtaas ng presyo nito, kabilang ang pagpasok ng mga produkto mula sa ibang rehiyon sa mga apektadong lugar.