BOMBO DAGUPAN – Makakatanggap ng cash assistance ang 19 na hog raisers na nagsurrender ng kanilang mga baboy sa bayan ng Rosario, sa lalawigan ng La Union ito ay matapos maaprubahan ng central office ng Department of Agriculture ang P535,000 para sa mga apektado.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Alfiero Banaag, Chief Regulatory Division, Department of Agriculture Region 1 bagama’t kontrolado na ang kaso ng african swine fever sa bayan ng rosario ay patuloy paring binabantayan ang iba pang apektadong lugar sa lalawigan.
Kung saan sa bayan ng Balaoan ay may 17 na baranagay na naapektado, sa bayan naman ng luna ay may 5 barangay, sa lungsod naman ng san fernando ay 1 barangay at sa bayan naman ng Bangar ay ongoing palang ang briefing subalit may isa na ring barangay na apektado.
Sa kabuuan ay mayroon ng 704 na kaso sa nasabing lalawigan at sa iba pang karatig probinsiya naman sa rehiyon uno ay wala pang naiiuulat na kaso.
Samantala, mayroon namang 2 milyon na doses ng asf vaccine na paparating sa bansa na gagamitin partikular na sa mga apektadong lugar gaya ng Batangas kaya’t umaasa ito na sana ito ay epektibo.
Nagpaalala naman ito sa mga hog raisers na huwag ng ipilit na ibyahe ang kanilang mga alagang baboy kapag may nakikita ng sintomas upang hindi na kumalat pa ang nasabing sakit.