BOMBO DAGUPAN – Inaprubahan ng Board of Investments (BBOI) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang registration ng isang major player sa tourism industry ng rehiyon, na magbubuhos ng P467.8 million na kapital.

Sinabi ni Pasigan na inaprubahan ng BBOI ang registration ng Dahuwan Tampeh Resort sa board meeting upang palakasin ang tourism industry ng rehiyon.

Aniya, ang bagong investment ay lalong nagpataas sa total assets sa rehiyon na nalikom ngayong taon sa mahigit P3.8 billion.

--Ads--

Sa second quarter, ang BBOI ay nagtala ng kabuuang investment na P3,822,879,582, na mas mataas ng 50 percent kumpara sa annual target na P2.6 billion na investments na itinakda para ngayong taon.

Ayon kay Pasigan, ang pinakabagong investment sa Tawi-Tawi ay may project cost na P467,803,392 at nakatakdang maging key player sa local tourism landscape.

Dahil sa malinis na natural environment, mayamang cultural heritage, at warm hospitality nito, ang BARMM ay may potensiyal, aniya, na maging central tourist hub sa Pilipinas.