Tinatayang aabot sa P4 million ang danyos sa sunog na tumupok sa 17 stalls malapit sa Malimgas market dito sa lungsod ng Dagupan.
Ito ang kinumpirma sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay Fire supt. Eddie Jucutan, BFP Provincial marshal sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Jucutan, nag umpisa ang sunog bandang ala-una onse at naapula na bandang ala 2:20 ng hapon.
--Ads--
Dikit dikit umano o magkakalapit ang mga tindahan kaya mabilis ang pagkalat ng apoy.Wala namang nasaktan o nasugatan sa insidente.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring sa sunog upang malaman ang tunay na pinagmulan nh sunog.