Dagupan City – ‎Limang samahan ng magsasaka sa Mangaldan, Pangasinan ang nakatanggap ng mahigit 4.6 milyong halaga ng makinarya at gamit pansaka mula sa Department of Agriculture.
‎
Isinagawa ang turnover sa DA Pangasinan Research and Experiment Center sa Sta. Barbara, sa pangunguna ng DA Regional Field Office 1 at mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan.
‎
Kabilang sa ipinagkaloob ang 3.48 milyong four-wheel drive tractor para sa Cluster-C Corn Growers, habang ang ibang asosasyon ay tumanggap ng sprayers, fertilizers, seedling trays, at iba pang kagamitan.
‎
Ayon sa mga benepisyaryo, malaking ginhawa ito sa kanilang pagsasaka lalo na sa harap ng hamon ng panahon at gastusin.
‎
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa DA para sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa bayan.