Dagupan City – Limang samahan ng magsasaka sa Mangaldan, Pangasinan ang nakatanggap ng mahigit 4.6 milyong halaga ng makinarya at gamit pansaka mula sa Department of Agriculture.
Isinagawa ang turnover sa DA Pangasinan Research and Experiment Center sa Sta. Barbara, sa pangunguna ng DA Regional Field Office 1 at mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan.
Kabilang sa ipinagkaloob ang 3.48 milyong four-wheel drive tractor para sa Cluster-C Corn Growers, habang ang ibang asosasyon ay tumanggap ng sprayers, fertilizers, seedling trays, at iba pang kagamitan.
Ayon sa mga benepisyaryo, malaking ginhawa ito sa kanilang pagsasaka lalo na sa harap ng hamon ng panahon at gastusin.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa DA para sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa bayan.