DAGUPAN CITY- Nilabas ma ang mahigit 67 porsyento o P4.23 trilyon ng kabuuang P6.326 trilyon na budget para sa 2025, ayon sa Department of Budget and Management (DBM). Naipamahagi na ang P4.23 trilyon hanggang katapusan ng Pebrero, subalit mas mababa ito kumpara sa 79.3 porsyento ng nailabas na budget noong nakaraang taon.
Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA), naipamahagi na ang P2.98 trilyon, na 70.6 porsyento ng kabuuang P4.22 trilyon na pondo.
Nasa 76 porsyento naman ng P3.69 trilyon para sa mga kagawaran ang nailabas na, na nagkakahalaga ng P2.81 trilyon.
Samantala, ang mga special purpose funds ay umabot sa P173.54 bilyon o 33 porsyento ng P529.6 bilyon na alokasyon.
Para sa mga automatic appropriations, nasa 60 porsyento o P1.23 trilyon na ang nailabas mula sa kabuuang P2.11 trilyon.
Isa sa mga huling inilabas ay ang P9.43 bilyon para sa Tax Expenditure Fund, na 65 porsyento ng P14.5 bilyon na alokasyon sa buwan ng Pebrero.