Dagupan City – Higit 200 magsasaka sa bayan ng Mangaldan ang nakatanggap ng libreng tulong mula sa Department of Agriculture Region 1 bilang suporta sa off-season planting ngayong wet cropping season.
Aabot sa P3 milyon ang kabuuang halaga ng ipinamahaging tulong na kinabibilangan ng 400 sako ng urea fertilizer na may halagang P1,500 kada isa, at 400 sako ng binhi ng mais na nagkakahalaga naman ng P6,000 bawat sako.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, ang nasabing mga binhi ay inilaan sa mga magsasakang mas piniling magtanim ng mais ngayong tag-ulan kaysa palay, upang matiyak ang tuloy-tuloy na ani sa kabila ng pabago-bagong klima.
Kaugnay nito, tiniyak ng lokal na pamahalaan na magpapatuloy ang pagbibigay ng suporta sa mga hindi pa nabibigyan, sa susunod na batch ng pamamahagi sa mga susunod na buwan.