BOMBO DAGUPAN – Magsisimula nang tumanggap sa buwan ng Nobyembre ang (Ilocos Region) ng mas mataas na sahod makaraang aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P33 umento sa daily pay sa rehiyon.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), pinagtibay ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang Wage Order No. RB 1-23 noong Oktubre 16, na nagtataas sa daily minimum wages sa P435 para sa agriculture sector at non-agriculture sector na nag-empleyo ng wala pang 10 empleyado at P468 para sa non-agriculture sector na may 10 o higit pang empleyado.

Inilabas ng board ang huling wage orders nito para sa mga manggagawa sa private establishments at domestic workers sa rehiyon noong Nobyembre 6, 2023.

--Ads--

Samantala, inaprubahan din ng RTWPB ang P500 dagdag sa monthly minimum wage ng domestic workers (kasambahay) kaya magiging P6,000 na ang kanilang buwang sahod.

Inaasahang direktang mabebenepisyuhan ng nasabing wage order ang 170,143 minimum wage earners.