Dagupan City – Itutuloy pa rin ang P29 program ng pamahalaan sa anim na Kadiwa sites sa Metro Manila at Bulacan.
Ito ang siniguro ng Department of Agriculture (DA) kung saan ang P29 program ay magpapatuloy sa Kadiwa sites sa Llano Road, Brgy. 167 sa Caloocan City; Pantao Fisherfolks Consumer Cooperative (PFCC), 18 Tuazon Avenue, Brgy. Potrero in Malabon City; mga tanggapan ng Bureau of Animal Industry at National Irrigation Administration sa Quezon City; CRB Road, Brgy. Western Bicutan sa Taguig City; at Brgy. Minuyan Proper sa San Jose del Monte, Bulacan.
Kung saan ang ibang Kadiwa sites sa National Capital Region (NCR) at Calabarzon na nag-aalok ng murang bigas sa vulnerable sectors ay mananatiling sarado dahil sa mga pagbaha dulot ng Habagat na pinalakas ni Matatandaan na noong hulyo 19 ay pinalawak ng deopartamento ang P29 program sa large-scale trial sa Bacoor, Cavite, at San Pedro, Bulacan.
Ang first batch ay kinabibilangan ng Bureau of Animal Industry Dome and National Irrigation Administration (NIA) sa Quezon City; Bureau of Plant Industry sa Malate, Manila; Food Terminal Inc. sa Taguig City; Philippine Fiber Industry Development Authority sa Las PiƱas; Bayani Fernando Central Terminal at Barangay Fortune sa Marikina; sites sa Caloocan at Valenzuela; at City of San Jose del Monte, Bulacan.
Na siyang sinundan naman ng tatlo pang Kadiwa sites sa Malabon, Navotas, at Marikina. Samantala nakatanda ring ipatupad ang P29 program sa Visayas at Mindanao sa susunod na buwan (Agosto).