Farmers in North of Manila were looking forward to a good harvest this year . Pangasinan is the country’s third biggest rice producer, next to Nueva Ecija and Isabela provinces. But Farmers here was worried Price of palay.Photos by Mau Victa/Rappler

DAGUPAN CITY- Panawagan ng sektor ng mga magsasaka ang pagtakda ng price ceiling sa kanilang palay upang makabawi mula sa pagkakautang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo, Chairperson ng Bantay Bigas, matagal na nilang panawagan ang price ceiling sa presyo ng palay ng mga magsasaka dahil napakababa na nito simula nang naging epektibo ang Republic Act no. 11203 o Rice Liberalization Law.

Aniya, sobrang nababarat na ang pambibili sa lokal na produkto ng bansa sa pakikipagkompetisyon sa world market.

--Ads--

Kaya umaabot sa P14-P16 kada kilo ang benta ng mga palay sa Pilipinas at may napapaulat pa na may umaabot ng P10 sa mga piling lugar kahit pa maganda ang kalidad ng palay.

Upang magkaroon ng sapat na kita ang mga magsasaka, dapat umaabot sa P21/kilo ang mga binibiling palay bilang itinakdang price ceiling.

Nakikita ng Bantay Bigas na nakakaapekto sa mababang presyo ang P20 kada kilo na bigas sa mga Kadiwa Stores dahil napapako na sa mababang halaga ang kada kilo ng palay.

Gayunpaman, ang labis naman na nakakaapekto ay ang Rice Liberalization Law dahil 90% ng lokal na produksyon ay nabibili ng mga traders at millers.

Limitado na lamang din ang nabibili ng National Food Authority (NFA) subalit, halos ayaw din ibenta ng mga magsasaka dahil matagal ang kanilang aantayin bago sila mabayaran at strikto ang criteria.