Magandang balita subalit asahan na matagal-tagal ang proseso bago ito tuluyang maisabatas.

Ayon kay Julius Cainglet — Vice President, Federation of Free Workers, matapos ang isang taon ay saka lamang ito nagkaroon ng katuparan at aniya ito ay pambawi sa mga nawalang sahod ng mga manggagawa lalo na sa nakalipas na tatlo o apat na taon.

Kaya’t dapat ay masertipikahan na itong ‘urgent’ ng palasyo dahil mas mapapabilis nito ang pagpasa sa nasabing panukala.

--Ads--

Natutuwa naman aniya sa naging pahayag ng kalihim sa panukalang dagdag sahod at isang magandang balita na walang gagawing pagtutol hinggil dito.

Bagama’t ay kailangan pang maghintay bago ito tuluyang maipasa lalo na at magkakaroon pa ng pagbasa at mga pagdinig ay inaasahan nito na magiging maganda ang resulta.

Kaugnay nito ay dapat magkaroon din ng mas maayos na pamantayan sa pasahod sa syudad man o sa probinsiya dahil lahat naman ay nakakaramdam ng inflation at kung tutuusin aniya ang presyo ng bilihin ay halos nagkakapantay-pantay na.

Kaya’t panawagan nito sa publiko dapat ay iboto ang mga kandidatong makamanggagawa at magsusulong ng malinis na pamahalaan sa bansa.

Samantala, nagpapasalamat naman ito sa mga kasamahan dahil sa ipinakita nilang lakas kaya naaprubahan ang wage hike application saad niya na bunga ito ng mas maigting na pagkakaisa ng mga manggagawang Pilipino.