Umarangkada ang programa ni President Ferdinand Bong-Bong Marcos Jr., na P20 na bigas kung saan nakabili ang mga minimum wage earners sa lungsod ng Alaminos sa pangunguna ng Department of Labor and Employment o DOLE-Western Pangasinan Field Office.
Bukod sa mga minimum wage earners sa syudad ay kabilang din sa naging unang benepisyaryo ng naturang programa ay ang mga manggagawa mula sa Hundred Islands Hotels Transients Restaurants Operators Association sa lungsod.
Aabot lamang din sa sampung kilo ang maaring bilhin ng isang benepisyaryo.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng syudad sa pagtungo ng programa sa kanilang lugar dahil malaking tulong ito sa kanila.
Ang programa ay naglalayong magbigay ng ginhawa sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa mga nangangailangan.