BOMBO DAGUPAN – Umaabot sa P20 milyon na educational assistance ang ipinamahagi sa 4,000 estudyante mula sa 4 na unibersidad at kolehiyo sa Pangasinan.
Pinangunahan ng presidential sister at Sen. Imee Marcos ang pagbibigay ng P5,000 educational assistance bawat estudyante sa ilalim ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS).
Kasama sa pay-out si DSWD Ilocos Regional Director Marie Angela Gopalan at mga lokal na opisyal mula sa mga bayan at lungsod.
Ang apat na unibersidad at kolehiyo ay Bayambang Polytechnic College, Binalatongan Community College sa San Carlos City, University of Eastern Pangasinan sa Binalonan at Urdaneta City University.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbahagi ng tulong ang senador kundi sa mga nakalipas na ring taon.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico III si senador Marcos sa kanyang tulong sa edukasyon sa mga mag aaral.
Ito aniya ay malaking tulong sa mga magtatapos na estudyante na gumugol ng apat o limang taon sa kolehiyo.