Patuloy na ipinanawagan ng Federation of Free Workers ang pag-apruba ng panukalang batas na P150 national wage increase sa bansa.

Ayon kay Atty. Sonny Matula President, Federation of Free Workers na kasabay ng paggunita ng Ninoy Aquino Day ay ang paglaban sa kalayaan mula sa kahirapan na aniya ay masosolusyunan lamang kung itataas ang sahod ng mga manggagawa.

Pagbabahagi nito na sa kasalukuyan kasi ay napakababa ng sahod at ang kabuuoang sahod ng isang manggagawa lalo na sa probinsiya ay below poverty line.

--Ads--

Kaugnay nito ay hinihikayat niya si Speaker Romualdez na kagyat na aprubahan ng mayorya at kasapi ng kamara ang nasabing panukala dahil naipasa na sa senado ang counterpart nito.

Dapat aniya ay hindi ito ibasura at marapat lamang na maaprubahan na upang kahit papaano ay maramdaman ng mga manggagawa ang kaginhawaan.

Naniniwala naman ito na ang mga gingawang wage order ng wage board ay kulang na kulang upang matustusan ang pangangailangan sa pang-araw araw at ang ang hangad na pagtaas ng sahod aniya ay kayang kayang ibigay ng mga employer kung gugustuhin nila.

Hinihikayat naman nito ang lahat na suportahan ang kanilang kampanya sa panukalang P150 national wage increase upang ito ay maipasa at agarang maaprubahan na.