BOMBO DAGUPANHinihiling ng Alliance of Concerned Teachers Partylist sa Supreme Court na ideklarang “uncontituionalized” at “illegal” ang paggasta ng Office of the Vice President ng P125-million confidential fund.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay France Castro, representative ng nasabing alyansa, kanilang ipinagtataka ang pagkakaroon nito sapagkat base aniya sa konstitusyon, walang nakalinyang Confidential fund para sa naturang opisina noong 2022.

Inilabas ng Office of the President ang P125-million mula sa Contingent Fund subalit ginamit naman ito ng OVP bilang Confidetial fund.

--Ads--

Ani Castro, malinaw na paglabag ito sa batas dahil hindi ito binigyan ng otorisasyon ng kongreso.

Gayunpaman, hindi na aniya nararapat ang paghiling ni Vice President Sara Duterte ng pagbasura sa kanilang petisyon at hayaan na lamang ang pagdesisyon ng korte.

Samantala, sinabi ni Castro na hindi pa matatapos ang pagdinig ukol dito.

Kailangan kase ito maibalik sa kaban ng bansa dahil mas makakatulong pa ito sa ibang sektor.