Dagupan City – Kung babasahin ang konteksto ng “Isang Kaibigan” sa libro ni Vice President Sara Duterte hinggil sa isang kuwago na nawalan ng kaibigang ibon nang sirain ng bagyo ang kaniyang bahay. Kung saan sa kabila ng kalungkutan, isang parrot ang tumulong sa kuwago para makagawa siya ng bagong tahanan na kaniyang naging kaibigan.
Ayon kay Benjo Basas, Chairperson ng Teachers Dignity Coalition, mukhang maganda naman ang takbo ng kwento nito para sa mga bata.
Ngunit kung titignan ang pondong ilalaan para rito na P10 milyon para sa libro na nakapaloob sa panukalang P2.037-billion budget ng OVP sa 2025, ay mukhang dehado ang mamamayan.
Aniya, kung titignan kasing mabuti, sa library lamang ito mamalagi dahil hindi rin maibibigay sa bawa’t mag-aaral dahil kulang din ang producement nito sa budget na P10 milyon.
Kung ang layunin naman ng bise ay matutong magbasa ang mga mag-aaral, sinabi ni Basas na maraming mga guro at mga studyante ang mahuhusay na reading teachers kung kaya’t dapat aniya sila na lang ang tinutukan.
Ang P10 Milyon budget ay maliit na budget sa reading books na ipapamahagi sa bawa’t mag-aaral ngunit kung gagamitin aniya ito sa tama at tunay na kinakailangan ng mga studyante, malaki at malawak ang maitutulong nitong tugon sa kagawaran ng edukasyon.