BOMBO DAGUPAN- Higit pa at sobra-sobra pa sa naturang presyo sa pagpublish ng libro ang hiningi ni Vice President Sara Duterte para sa kaniyang libro na “Isang kaibigan.”

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rommel Asuncion Pamaos, isang Award winning Children’s book writer, napuna lamang ang nasabing libro ng bise presidente dahil sa P10-million na contract price na hinihingi nito.

Aniya, umaabot lamang sa P18,000-P20,000 ang presyo ng isang illustrator para sa isang libro at parehas din ito para sa contract price ng awtor.

--Ads--

Gayunpaman, sa laking halaga ng hiningi ng bise presidente, walang kalidad ang illustrations at nakikita lamang sa isang online editing website na Canva.

Kaugnay nito, ang illustrations sa isang children’s book ang nakatutulong upang mas maipakita ang mensahe ng kwento.

Sinabi din niya, na kahit fictional man ang takbo ng kwento ng libro ay dapat lohikal pa din ito. Kaya importante aniya ang fact-checking para dito.

Ani Pamaos, marami sa parte ng libro ng bise presidente ang hindi ito nasunod.

Pinapaniwalaan naman niya na hindi ito plagiarized kundi hindi lamang bago ang mga naging karakter at takbo ng kwento.

Samantala, ipinagtataka ni Pamaos na nais pondohan ni Duterte ang sarili niyang libro subalit marami aniyang “unpublished” na kwentong pambata ang nakaimbak sa inventory ng Department of Education at ginamit lamang sa taunang kompetisyon ng mga kaguruan at DepEd personnel.

Sariling libro man ito ni Duterte ngunit mula naman sa mga buwis ng taong bayan ang nais nitong gamitin para maipublish ito.

Pinapangambahan din niya na ginagamit na din ang librong pambata sa iba pang layunin tulad ng pamomolitika.