Dagupan City – Inaprubahan na sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act ang higit sa 1,200 proyekto na may kabuuang halaga na P1.2 trillion hanggang sa katapusan ng hunyo ngayong taon.
Sa social media post kamakailan, sinabi ng Department of Finance (DOF) na ang mga inaprubahang proyekto sa ilalim ng CREATE Act magmula noong abril 2021 hanggang hunyo ngayong taon ay umabot na sa 1,239, na may total committed investment capital na P1.27 trillion.
Kung saan ang naturang mga proyekto ay inaasahang lilikha ng 159,486 na bagong trabaho.
Habang ang Cabinet-level Fiscal Incentives Review Board (FIRB) ay pinaghiwa-hiwalay na nag-apruba ng 57 applications at may investment capital na nagkakahalaga ng P953.06 billion.
Ang FIRB-approved projects na ito ay inaasahang lilikha naman ng 39,854 trabaho.
Samantala, nasa kabuuang 1,182 applications naman na nagkakahalaga ng P313.32 billion ang inaprubahan ng Investment Promotion Agencies.