BOMBO DAGUPAN – Patuloy na pagpapaigting ng kahandaan ng probinsya para matiyak ang kaligtasan ng bawat Pangasinense.

Nakipagpulong ang Pangasinan PDRRMO kay PDRRMC Chairman Gov. Ramon โ€œMon Mon” V. Guico III kasama si PDRRMC Vice Chairperson Vice Gov. Mark Ronald DG Lambino kung saan natalakay ang hakbangin sa paghahanda para sa inaasahang epekto ng Bagyong โ€œKristine.โ€

Kasama rin sa naging usapin ang paglagda sa Abiso sa Publiko, na naglalaman ng mga mahahalagang paalala para sa kaligtasan ng mga Pangasinense.

--Ads--

Nananatiling nakaantabay ang lahat ng ating response clusters upang masigurong maipapatupad ang mga kinakailangang hakbang sa pagtitiyak ng kaligtasan ng lahat.

Una rito ay isinagawa ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) kasama ang PDRRMC Response Cluster.