DAGUPAN CITY- Patuloy pa rin nagpapahirap sa mga magsasaka ang pag-over supply ng produktong kamatis.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jayson Cainglet, Executive Director ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), mahalagang pagtugon sa problemang ito ang pagkakaroon ng post-harvest facility para sa produktong kamatis.
Hindi rin kase maaaring itambak lamang ang mga kamatis sa cold storage dahil isang linggo lamang ang itinatagal nito at nabubulok na.
Gayunpaman, katulad ng bawang, kasalukuyang mababa ang presyo nito sa farm gate lalo na sa lalawigan ng Pangasinan at Nueva Ecija.
Pinagkaiba lamang nila ay maaaring maimbak ang mga produktong bawang,
Saad pa ni Cainglet, malaki ang ginagampanan ng mga cold storage sa mga produktong agrikultura sa bansa. Kaya naman, umaasa silang maging kontrolado na ito ng gobyerno o cooperative ang pagpapatakbo upang makinabang ang mga magsasaka.