Nagtamo ng mga pasa sa katawan ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia matapos umanong abusuhin ng kaniyang amo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kean Santiago – Bombo International News Correspondent sa Qatar nakakaranas ng pang-aabusong pisikal ang Pinay mula sa kaniyang mga employer kung saan sinasampal, sinasabunutan at pinipisil ang braso nito.

Bagama’t ay naipagbigay alam na ito sa tanggapan ng OWWA subalit maging sa ngayon ay wala paring nangyayari.

--Ads--

Inilapit na rin ang kaso sa OWWA Central Office para iprayoridad ito at maipull-out na sakanyang employer.

Batay sa naging salayasay nito kay Santiago mula sa tawag sa telepono aniya na pabulong lamang itong nagsasalita kapag nakakausap gamait ang cellphone ng kaniyang kaibigan marahil nasa pangangalaga ng kaniyang amo ang kaniyang telepono.

Lumalabas din na kinakaltasan pa umano ng kaniyang employer ang sahod nito dahil sa internet .

Dumating sa Saudi Arabia ang pinay na OFW noong Nobyembre 24 noong nakaraang taon at noong una pa lamang ay nananakit na ang mga ito.

Nababahala naman ang pamilya ng OFW dahil sa kasalukuyan ay nasa kustodiya pa ito ng kaniyang employer.